Menu

Ang ang kinalalagyan nila sa lipunang marahas at

0 Comment

Ang mga bata ay natural na mausisa o matanong ukol sa mga
bagay bagay na nasa paligid nila. Habang unti-unting nasasagot ang bawat katanungan
sa mga mumunting isip nila, unti-unti rin silang namumulat sa kung ano ba
talaga ang mayroon sa mundo; ang kasalukuyang kalagayan nito at pati na rin ang
kinalalagyan nila sa lipunang marahas at walang pakialam.

           Nagsimula
si Jhun-Jhun bilang isang batang tuso, matalino, at maalam sa mga taktika na
kanyang ipinapamalas sa kanilang paglalaro ng tumbang-preso. Makikita rin na
siya ay isang batang mapagmahal sa kanyang pamilya at malapit rin sya sa
nakakatanda niyang kuya Jaime.

We Will Write a Custom Essay Specifically
For You For Only $13.90/page!


order now

           Musmos pa
lamang ang pag-iisip ni Jhun-jhun kaya naman siya ay naninibago sa mga
transisyon o pagbabago na nangyayari sa kanilang pamilya lalo na at ang kuya
Jaime niya ay nagtatrabaho na at mas dumarami na rin ang responsibilidad. Kaya
naman isa ito sa mga naging tunggalian sa kwento kung saan si Jhun-jhun ay
nagkaroon ng tampo sa kaniyang kuya at nagkaroon din ng mga palaisipang
bumabagabag sa kanya kung bakit ganoon na lamang ang pagbabago na nangyayari sa
relasyon nila ng kuya Jaime niya.

           Ang
pagiging curious ni Jhun-jhun ukol
rito ay ang nag-angat ng aksyon na humantong sa pangunahing tunggalian ng
kwento. Matapos sundan ni Jhun-jhun ang kaniyang kuya, siya ay namulat sa mga
pangyayari sa labas ng kanilang musmos na laro ng tumbang preso. Dito na pumapasok
ang pangunahing tunggalian ng tauhan, si Jhun-jhun laban sa lipunan. Dito sya
namulat sa karahasan ng mundong kanyang ginagalawan. Tuluyan siyang binago ng
mga pangyayaring ito. Nawala sa piling niya ang kanyang kuya, at mag-isa niyang
hinarap ang marahas na lipunan. Hindi na siya ang musmos na Jhun-jhun na
hanggang tumbang preso at larong pambata lamang ang ginagawa. Hawak hawak pa
din ang tsinelas ng kaniyang Kuya Jaime, nakita niya na hindi lang ang baluktot
na lata ng Liberty kondensada ang
pinapatumba, kundi ay may mas malaking kabaluktutan pala sa lipunan na dapat
patumbahin upang makamit ang ‘Liberty’
o kalayaan.

           Ipinapahiwatig din sa
pamagat na mas matindi pang pangyayari ang haharapin ni Jhun-jhun pag-dating ng
martial law. Kaya naman makikita sa kwento na hindi dapat ikulong ang mga
kabataan sa kanilang kamusmusan. Dapat din silang unti-unting turuan, gabayan,
at imulat sa kalagayan ng ating lipunan dahil sila ang may kakayanan at pag-asa
na patumbahin ang mga dagok na nakapalibot sa ating bansa.

x

Hi!
I'm Alex!

Would you like to get a custom essay? How about receiving a customized one?

Check it out